Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 26, 2025


Oo, pinugayan mo ang aking karangalan, dahil dito ay muntik tuloy ikasawi ng mga tahimik na budhi. Oo, ang pangyayaring iyan ay, isang bagay na dapat mong pagaralan. Ikaw ang asawang dapat sumpain. Sino ang asawang yaong pinagngitngitan ng galit? Ano ang ginawa niya na naging daan ng pagalimura sa asawa namang humihikbi?

At, hindi na nakapagtanong pa ang dalawang kawal ng maykapangyarihan at sila ay tuloy nagsilakad sa kinatatayuan ng sawing palad na si Pako. Pako ang wika ng taong kasama ng dalawang sekreta muntik na palang nasawi ikaw sa pangyayaring ito? Mang Pepe, sino ang may kagagawan nito, hindi mo po ba nalalaman? Pako, ako ang may sala ng lahat, oo, ako ang mananagot sa pangyayaring iyan.

Sino nga naman ang magkakapasasabi ng gayong pinagmulan ng pangyayaring muntik ng ikinasawi ng isang binatang tahimik ang loob at walang malay? Nguni't ang lahat ng bagay ay mayroong wakas. Ang lahat dito sa mundo ay natatapos. Ang kaligayahan ay di namamalagi. Paris ng langit na kung minsan ay maulap at kung minsan ay maaliwalas.

Nakakalabas pa lamang siya ng pintuan ay hinarang na agad siya ng dalawang sekreta at sinabing: Mahal na ginoo, hindi kaya sakaling maging pangit sa kalooban ninyo ang kami ay magtanong ng nauukol sa pangyayaring itong muntik ng ikasawi ng isang tao? Opo, maaaring ipaliwanag ko sa inyo ang lahat.

Salita Ng Araw

nagkapalit

Ang iba ay Naghahanap