United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamtáng tóua ni ina,t, sampong aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na, bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga panalan~gin, idalan~gin mo cay Guinoóng Santá Maria, na icao at aco,i, tulun~gang ipagcaloob na matulóy ang ating magandang bantá, cun maayon sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.
Matatapus ang buan nang Mayo nang taóng 1863, niyong mulan ang devocion, at sa auá nang Dios, at sa tulong at pamamaguitan nang malualhating San Josef, ay naraos at nayarí ang matrimonio sa buan nang Agosto: at ang amang lumalaban at silang lahat, ay paraparang natuâ, at napasalamat cay Jesus, Maria, y Josef.
Aco po ang sagót mahal na iná co ang siyang nag utos nag padala rito, at ala-ala co,i, magugutom cayo pinag hanapan po ang ibinili co. Anác co,i, cun caya hindi mapalagay loob co,i, palagui na may gunamgunam, at hindi mauala pag aalinlan~gan pinag mulan nito,i, ibig cong maalman.