Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 8, 2025


Lahát ng makadinig sa kasaysáyan ng gabíng iyón ay nagkakaisá na ang sinápit ni Kapitang Memò at ng kanyáng kapatid ay "isang marápat na gantíng pal

Tinutugtóg ang ikasampung oras nang si Kápitang Memò ay magbángon noong umagang iyón. Ang mga hikáb niyang sunodsunod at mga matáng pipikitpikit ay nagpapakilálang di pa nasisiyahán sa túlog. At mulî sanang mahahandusáy ang mahal nating ginoo, dangan at nagitlá sa íngay ng maraming táo na noó'y naghuhugusan sa tapát ng kanyang báhay.

"Ha?" ang pútol ni Kápitang Memò, "di yata't pipilítin mo siláng magpakamatáy, mailigtás lang ang búhay ng iba?" "Ang lahat , G. Presidente, ay dapat pangahasán kapag kailángan."

Si Kápitang Memò ay tumungó, nagsalikód-kamay at lumakad ng paroo't parito.

Sa bawa't títig ni Stag na may ganitóng kahulugán ang kápitan ay may isang magiliw na tugón: "Huwág kang magalaála katóto... Madalî ang pagliligtás sa iyó." May katwíran si Kápitang Memò sa kanyang sinabi: ililigtás niyá si Stag at ang paráan na kanyáng gagamítin ay madalîng madalì. ¡Dadaánin sa bagsik, sa dahás, sa sigáw!

Diyáta't hindî man lang kumisáp, diyata't ang ulo'y hindî inayukô? Ano't ang anyô ng "ulol" na itó ay animo'y nanghahamón, animo'y nagtatawá, nangungutyâ? Bakit at ang mga kamáy ay hindî nakahalukipkíp, bakit hindi namumutlâ, bakit hindi nanginginíg gayóng nasa haráp niyá niyá, ni Kápitang Memò?...

Papaáno'y ang boông pag-iisip ni Kápitang Memò ay nabubuntón sa isásakdál na mulâ, nang tamáan ng kanyáng matá ay pinasikdósikdó ang loob niyá nang gayón na lang. ¡Kanyá mandín natatandâan ang húbog ng pangangatawán ng amerikánong itó!... Túnay nga kayáng ito'y si ... si ... si Stag? Habang nagtatagál ang kanyang pagmamasíd ay lalò at lalòng nakikilála ang pinagmamasdán.

Sa tatlong araw na sumunod sa halalán, si Kápitang Memò tuwing magiisá, maging sa pagkain, maging sa paghigâ hanggang sa pagtulog, ay wálang nábibigkas kundî ang gayari: "Sa makatwid, ako ay presidente na ngayón ha! ha! ha! At sa makatwid, akó ay makapangyarihan na namán! ha! ha! ha!... Ganitó, ganitó ang mabubuhay ... láging nasa itáas, láging tinitingalâ at hindî nasusuwáy! ha! ha! ha!"

Si Kápitang Memò ay di nararápat bumangon ng maága; hindi ito nababágay sa kanya. Siya'y isang máginoo, isang kápitan, isang presidente na sumasahod buwán-buwán ng walongpúng pisong matunóg. Bumángong maága ay nababágay lámang sa mga mahihirap, sa mga magsasaká, sa kanyang mga kasamá, alila at mga hindi máginoong gaya niya.

Alám ni Kápitang Memò na lubhâng marami ang kanyáng kaáway; na ang kanyáng kabangisán ng panahóng lumípas ay di pa nalilimot ng mga manghahalál; na ang tákot at pangingilag sa kanyá ay di pa nakakatkát sa mga apdó ng karamíhan; na ang kanyáng kalupitán sa pamumunò ay sariw

Salita Ng Araw

untian

Ang iba ay Naghahanap