United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito ang sa wakás ay sumurì sa naaantalang usapín at pagkatapos na mádinig ang mga pangangatwíran ng báwa't isa ay inilagdâ ang kanyáng maayos na hátol. Si Stag ay nagkamít ng mabigát na parúsa: multá at bilanggô. Dapwa't, anó pang parusa! Maánong napanindig ang balahibo ni Stag! Papaanó'y mayroón siyang isang kristo-krístuhang inaasahan! Si Kápitang Memò ang nanagót sa multá. At sa bilanggô?

Sa bawa't títig ni Stag na may ganitóng kahulugán ang kápitan ay may isang magiliw na tugón: "Huwág kang magalaála katóto... Madalî ang pagliligtás sa iyó." May katwíran si Kápitang Memò sa kanyang sinabi: ililigtás niyá si Stag at ang paráan na kanyáng gagamítin ay madalîng madalì. ¡Dadaánin sa bagsik, sa dahás, sa sigáw!

"Ha, Stag? Handiyan ka na palâ. Tinamáan ka ng.... Anó ? At bákit ka nagtatawá, ulól? Nasunód mo na ang ipinagagawâ ko sa iyó? Nápatay mo na ba? Hindî? Sáyang ang salapî ko! Ulól ako't pinawalán pa kitá... Ha? At nápatay mo ba? Siya ngâ ba? Saán mo inabútan ang walanghiyá't dalahirang babáe?... Mabúti, mabúti kang bat

Papaáno'y ang boông pag-iisip ni Kápitang Memò ay nabubuntón sa isásakdál na mulâ, nang tamáan ng kanyáng matá ay pinasikdósikdó ang loob niyá nang gayón na lang. ¡Kanyá mandín natatandâan ang húbog ng pangangatawán ng amerikánong itó!... Túnay nga kayáng ito'y si ... si ... si Stag? Habang nagtatagál ang kanyang pagmamasíd ay lalò at lalòng nakikilála ang pinagmamasdán.

Isang matinding tikím na kinaugalían, at isáng magasláw na kilos ng nakatalíkod, at ... ¡biglang namutlâ ang natutúlos sa punò ng hagdán! Ang tikím at kilos na iyón ay kilaláng-kilalá niya; wala kundi si Stag lang ang marunong kumílos at tumikím ng ganoon.

At lalong hindî pa rin nalilingíd sa kanyáng guniguni ang kináng at dámi ng pilak na sa bahay ding iyon ay kanyáng nalíkom. Ang pílak na itó ay umabót sa halagáng -P-10,000 salapîng pinagkayariang hatiin nilang dalawá ni Stag na lubhang malaki ang pagod na ginugol sa kapangahasa't katampalasánang iyon.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap