United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Pára sa inyó, ang táo ay dapat tumalíkod sa láhat, dápat isatábi ang mga katungkúlan, isalímot ang pag-íbig sa báyan, láhì, matwíd, at karangálan, kung ito ay kakailangánin upang lumági sa pagkamasalapî". "Talaga!" ang sabád ni Kápitang Memò.
Iyán ang mga táong may mga matá ay di makakita, may mga taynga ay di makadiníg. Kapag hiningán ng pasiyá sa isang panukálang binálak ó inayunan ni Kápitang Memò, siláng lahat ay pawang mga áyon; nguni't hindi silá sangáyon kapag nákitang iilíng-ilíng ang kanilang panginóon, ang kanilang Diyos!
Mulíng napahalakhák si Kápitang Memò; ang pagkapoòt niya kay Gerardo at pagkatigagál sa mga pinagsasabí nito ay nagtatálo sa kanyáng loób. Iilíng-iling na sumagót: "Mga halíng na pag-iisip! mga halíng!... Palibhása't ikaw'y bát