Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 20, 2025
Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik, Garing na mistula sa puti at linis, Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig. Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya Ay di hugis tikin, ni hubog kandila; Ang ayos at hugis ay bagay at tama Sa sutla mong palad na laman n~g diwa.
Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't Nagkalat ang silo sa balat n~g lupa, Dito kung mayron mang sampagang dakila Ay may tinik namang pamutol n~g nasa. Ang pagkamasakim sa ban~go at puri Ang isinasama n~g lalong mabuti, Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y Siyang pagkabagsak n~g isang lalaki. Oh! ban~gong pan~garap n~g uhaw na puso! Oh! puring nagbuwal sa lalong maamo!
Sa kahilin~gan mo, kita'y lilimutin kahit nalalaban sa aking damdamin, n~guni't ang samo ko'y iyong idalan~gin ang papanaw ko nang ulilang paggiliw. = Gayon man, gayon ma'y ...= Kung may kasayahan ang tao sa lupa naman ay mayron ding pagkabigo't luha. Kaya n~ga't ang tao, sa aking akala ay laruan lamang n~g kanyang tadhana.
Ganyan din ang ginagawa sa "kailangan" at sa "mayroon", sinisira at isinusulat ng "kaylangan" at "mayron" gayong paano man ang gawin, ang "kaylan" at ang "kaylangan" at "mayron ay lumalabas din, sa pangdingig, na "kailan" "kailangan" at "mayroon". At ang ganyan ay hindi isang "kalayaan" kundi tunay na "kaalipnan". Kaalipnan sa Ortograpía! Pangsira sa pangdingig, ano man ang gawin.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap