United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't halos lahat n~g wika rito, maliban sa wikang ita ay kagyat na wikang malayo , at ayon sa sapantaha n~g halos lahat n~g mananalaysay ay pawang suplíng ang lahat na ito sa isang matandang wika. Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may m~ga aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito.

Bagay naman sa m~ga mahalagang bató rito na ang iba'y kinacalacal n~g m~ga tagarito ay di co na bangitin dahil sa nan~gan~gailan~gan n~g totoong mahabang salaysay sa cayamanan n~g lupaing ito sa m~ga mahalagang bató. Tungcol sa pagbabayaran ay hindi gumagamit n~g salapi, cung di gintong durog ang itinitimbang na totoong macapal sa lupaing ito anang m~ga mananalaysay.

Tungkol sa pagkaparito n~g m~ga ito kung paano at saan nan~gangaling ay di masabi at hangan n~gayon ay di pinagkakaisahan n~g m~ga mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't anáng iba ay galing sa Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at mula sa Nueva Ginea hangang dito, at anáng m~ga bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang m~ga ito'y kaibang lahi n~g m~ga itim sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilan~ganan.

Saká anang m~ga mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g m~ga tao rito, na ang m~ga nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g m~ga kanunuan nila. N~guni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpan~gan ó Tagalog mang ó Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.

TALABABA: Tungkol dito sa ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananalaysay.

Sa pagkakatutubo rito, n~g m~ga taong ito anang man~ga mananalaysay ay hindi at bago pa n~ga mandin ang m~ga ito ay ang m~ga ita muna ang nan~ganahan dito; sapagka't di n~ga naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya n~g m~ga ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan.

Ang paraan naman di umano, n~g pan~gan~galacal n~g m~ga insic dito, anáng ibang m~ga mananalaysay ay tinatambol ang canilang gongs pagdating upáng malaman n~g m~ga tagarito na may sasacyan n~g calacal na dumating at agad naman sumasalubong ang m~ga tagarito na sumasacay sa canilang m~ga munting bangca.

At maraming sasacyan dito sa Luzón, anáng isang mananalaysay, ay dumadayo sa Butuan, upáng mamili, sapagca't bucod n~ga sa m~ga bihag n~g m~ga moro roon na ipinagbibili ay nagbibili rin, di umano, pati m~ga insic at hapón n~g m~ga galing namán sa canicanilang lupain.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap