Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 26, 2025
Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; n~guni't ang m~ga lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat n~g m~ga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga tanyag na mananalaysay.
At ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis n~g pamumuhay n~g m~ga ito sa pamumuhay n~g m~ga iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya n~g Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin n~g m~ga lahi ritong kristiano n~gayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa katalinuan.
Saká anang m~ga mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g m~ga tao rito, na ang m~ga nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g m~ga kanunuan nila. N~guni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpan~gan ó Tagalog mang ó Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap