United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat n~g lupain ay may maraming wika, palibhasa't "ang bilang n~g pagkakapangkatpangkat, n~g wika sa isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan n~g katalinuan n~g bayánbayán."
Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; n~guni't ang m~ga lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat n~g m~ga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga tanyag na mananalaysay.