United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nuon nga'y napangiti ka at sumigla ang iyong kalooban. Saka ng pumarito ang barini , na magpasadya ng mga bota ay napangiti kang muli at lalong sumigla ang iyong kalooban, at ngayong dalhin dito ng babaing ito ang mga bata ay napangiti kang makaitlo at nagliwanag ang iyong mukha. Sabihin mo sa akin, Mikhail. Bakit sumisilang sa iyo itong dalisay na liwanag at bakit ka ngumiting makaitlo?

Nagkataon namang doon sa paglakad natapat sa isang tindahan nang alak may nagsisiinom kaya n~ga't tinawag pagka't dati niyang kainumang lahat. Paglapit ay agad namang tinagayan nang makainom na'y nagusapusapan nang lumaonlao'y uminom na naman hanggang makaitlo bago tinigilan.

Makaitlo! Bakit di naman sabihing "makailawa"? Makaipat! At bakit di naman "makailima"? Makainem! Ano nga at di naman "makaipito", "makaiwalo" at "makaisiyam"? Bakit nga hindi naman? Ano ang sanhi? Dili iba kundi sapagka't sa iba't iba ay mahirap na palunduin o papagduyanin ang dila.

Ang bawa't pangungusap ni Leoning ay di pinangangawitang basahin. Minsan ... makalawa ... makaitlo ... Kung tinititigan niya ang sulat mula sa binibini ay waring siya'y nakikipagusap. Anong tamis nga namang magmahal ni Leoning! Si Leoning ay isang binibining katutubo ang kayumian. Ang kanyang puso ay minsan lamang kung sumumpa sa kanyang iniirog, bukod sa maganda at mabait.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap