United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~g mapag-iuan na niyaong caramihan dalauang mag-inang piniguil na tunay ang pag-uusisa dito na minulan n~g guinoong curang may asal halimao. Aniya'y: ¿Ano ba iniyong paghahanap, saan quinucuha cailan~gang lahat? ang sagot n~g ina: Ang aquin pong anac tahiing damit sa bahay natangap.

Dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat, pagca,t, natanto co ang fraileng dulin~gas ay binubusabos Inang Filipinas. At tuloy dinalao itong ala-ala niyaong ualang n~galan na aquing naquita asal na mahalay guinaua n~g cura sa isang mag-inang ipinahamac niya.

May isang mag-inang taga ibang bayan, aquing nalimutan cung ano ang n~galan; ang mag-inang ito'y, mahirap ang buhay, baquit ulila na sa dapat magmahal. May loob sa Dios ang babayeng anac may impoc na puri baga ma,t, mahirap maganda ang asal, matamis man~gusap sino mang tumin~gi'y malulugod agad.

Na mamayang gabi'y sunuguin ang bahay dalauang mag-inang quilala mo naman: ¿Bahay n~g maestra ? sagot n~g sacristan , oo, ang uinica n~g cura sa bayan. Aquin pong susundin ang mahal na utos, pagsunod na ito'y mapait sa loob, pagca't yaring puso'y uari'y natatacot sa sising darating n~g tunay na Dios.

Tungcol sa mabait na si Eufrasia, iniraos naman ang lagui nang pita, linisan ang mundo, at nagreligiosa sa mag-inang Virgen ito ay panata. Ipinamahagui ang lahat nang yaman sa maraming duc-ha at man~ga simbahan matandang Bárbara,i, biniguian din naman bagaman at tila muc-hang mangagauay.

Madali,t, salita dumating ang arao ualang ano ano'y, tumangap n~g dalao, n~g isang sacristan , mag-inang tinuran sila'y, tinatauag n~g among sa bayan. Ang mag-inang ito'y, umayo,t, sumama sa doroong tauong alila n~g cura, ualang guni guni, ualang ala-ala cung di ang pan~gacong maguiguing maestra .