Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 22, 2025
At ang kanyang isinagot: ¿Ikaw ba, Silveira, ay patay na loob na di nakabalita, kahi't balita lamang, tungkol sa milagrong nangyari kina donya Basilia? Lalong nagibayo ang bakla n~g panimdim n~g makata. At itinanong: ¿ Milagro ? ¿Kailan? Nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na iyon ang babaeng ipinagtatanong mo. Iulat mo, Martinez. Iulat ay huwag na.
Tunay na si Elsa at si Teang ay untiunting pinapaglayo n~g m~ga hiwaga n~g puso, n~guni't sa dahilang ale n~g una ang may-ari n~g bahay na sinasabing pinangyarihan n~g "himalang" ibinalita ni Martinez ay dili ang hindi kahihiwatigan ang tinukoy na mestisa n~g anomang tandang sukat mapagkakilanlan kung tunay o hindi ang sinasabing "himala". Bakit ay nagunita pa ni Tirso na kaya raw siya inanyayahan ni Elsang sumama sa Pandakan n~g gabing kalilipas, ay sa dahilang may ibig ibalita sa kanyang ilang ulat na may kinaalaman kay Teang at sa kanya. ¿Isa lamang kayang biro n~g mestisa ang gayong pahayag?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap