United States or Saint Helena, Ascension, and Tristan da Cunha ? Vote for the TOP Country of the Week !


Marami man cahit, n~g sinta'y tinablan, sa himoc n~g tin~gin, n~gunit daplis lamang, at n~g sa matinding dagoc ang hinirang puso ni Julietang camura-muraan. Ito iuan muna bumabasang liyag itulot sandaling ibaling ang suliap sa dacong unahan upang matalastas ang ibang nangyaring lisan di dapat.

Saca ang la-laquing caraniuang yucod, cahit mabigat man, sa asauang himoc, dóo'y nan~gagtayo ang noo at un~gos ang boong lagab-lab n~g palalong poot. Hindi masasaclao ang naguing hangahan niyaong pagla-labang ualang pacundan~gan, doon ang pagdaló cun di naagapan n~g Principeng Punong cataastaasan.

Ang sala nang iba,i, iyong titiisin pagca,t, tayong lahat nagcacamali rin: pagbata na hija,t, baca acalain nang tauong hindi co icao sinusupil. Masasabi-sabing aco,i, natatacot sa iyo,t, cung baquit di ca binubugbog, caya, aquing ineng, icao ay sumunod sa man~ga hatol co,t, banayad na himoc.

N~gunit pagcaquita ni Montescong cabig, bagcos naululan ang palalong isip, pagcat inasanang tulong na malabis, caya hinandulong ang catalong caliz. Cahit si Benvolio, ay culang namaos di rin alintana ang magandang himoc, dan~gan caniyang sacbat sa galit binunot casaha'y ang bala, di sana nasunod.

At cun di ihayag ang tago sa dib-dib tantong mauauala sa amang pag-ibig, ang lubos na suclam sa gayo'y capalit pagcat sa magulang di tapat ang isip. Ang sa ina namang himoc na malambing siya'y sa pagtangap sino man ang dahil, sa dusa n~g puso Montesco mang supling, cahit ito'y dating catalong patalim;

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap