United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang man~ga babayi malimit daanan nitong hirap na ito, at lalo pa ang man~ga mahihina. Sarisaring dahilan ang pinan~gagalin~gan nang ganitong saquit. Ang man~ga litid nang catauan, ang sicmura, ang man~ga bituca, ang dugong may calahoc na masama, ang pag-urong nang sa panahon, ó ang di pagpanaog para nang dati, ó cun minsan naman ang malaquing tacot ó galit, ó ang pagdadalamhati nang may catauan.

Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi alisin ang pinacaugat na pinan~gagalin~gan noong hirap na yaon. Caya ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya n~g marami, lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama.

Cun mayroong batang dinaraanan nang suba, sauan ó ibang bagay na convulsión, caalamalam ang totoong pinan~gagalin~gan noong man~ga saquit na yao,i, ang maasim sa sicmura, ó ang pagsibol nang n~gipin, ó ang bulati, ó ang hindi paglabas nang unang iniilaguin nang batang bagong pan~ga-nac.

Caya maliuag maalaman cun minsan ang dahilang pinan~gagalin~gan nitong saquit na ito. Cun minsan minamana yaong saquit.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap