United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't itong tawo'y kung talagang laang sa pag-aasawa'y mapa-abáng buhay, ang mata n~g isip ay nabubulagan sa masamang palad niyang káraratnan. Masdan mo Dalmacia't siyáng nangyayari sa mapapasawing paris tang babayi, kahima't mayaman at anak sa puri sa sinta n~g dukha ay napahuhuli.
Oowí na ako't ang sadyang liwanag nitong boong mundo'y ibig nang lumipas Oo n~ga Dalmacia't kung may búhay lakás inaantay kita sa araw n~g bukas. Ang pagbabalik ni Dalmacia sa tipáng kinabukasan. =Ikalimang Pankat.= Malayo layo pa itong dumarating ay nakan~giti na ang magandang n~gipin itong dináratnan naman ay gayon ding isinasalubong ang mukhang may alíw.
Maalaala ko Marcelang kapatid yaong kay Constanciong sulat na pahatid ating bigyang sagót na ang ninanais ay wala nang daang ipagkaka lan~git. Oo n~ga Dalmacia't siyang katuiran na dapat gantihin ang padalang liham, muha ka n~g papel na pagsusulatan na ang ninanasa ay wala nang daan.
Adios Dalmacia't kung walang hilahil inaantay kita sa araw mong taning at ang taguri ko'y huag lilimutin ang pagmamahalan magpahangang libing. Ang pag babalik ni Dalmacia =Ikaapat na pankat= Narito na ako kapatid na irog ¿anong buhay ninyo kagabing pagtulog? nagdaang payapa na awa ng Dios ¿kayo nama'y ano? Wala ring sigalót.