United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maalaala ko Marcelang kapatid yaong kay Constanciong sulat na pahatid ating bigyang sagót na ang ninanais ay wala nang daang ipagkaka lan~git. Oo n~ga Dalmacia't siyang katuiran na dapat gantihin ang padalang liham, muha ka n~g papel na pagsusulatan na ang ninanasa ay wala nang daan.
Muhang halimbawâ at kayo'y pumaris doon kay Dalmaciang dunong na mag-isip hindí nabighaning natol sa pag-ibig at ang alaala'y ang huling sasapit. At kung mangyayari mahalintularan yaong kay Marcelang mapayapang búhay hindí nabighaning ang puso'y ibigay sa parayang hilíng nitong kamunduhán.
Ang lalong marapat ako'y mamayapa sa piling ni ama't inang nag-andukha at doon na hihintin ang laáng tadhana niyaong kamatayang pagpanaw sa lupa. ¿Sa madlang pasiyá niyaring aking dibdib nararapat kaya Marcelang kapatid? Oo ang sagot ko't hindí nalilihis kung may kapalarang matay sa tahimik.