United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡May isáng nagbigtí sa halamanan n~g capit-bahay! ang sabing humihin~gal. ¡Isáng nagbigtí! ang bigláng pinagsabihanan n~g lahát na puspós n~g agám-ágam. Nan~gagcruz ang m~ga babae; sino ma'y waláng nacakilos sa kinálalagyan.

Nan~gagsiparoon ang m~ga capit-bahay, at macapal na m~ga tao ang siyáng lumiguid sa bangcáy, na nananatili sa pagpapaugóy-ugóy. Nan~gagsiratíng, nang may calahating horas na, ang isáng alguacil, ang directorcillo at dalawáng cuadrillero; ipinanaog n~g m~ga itó ang bangcáy at canilang inilagáy sa ibabaw n~g isang angarilla.

¡Nacú, ang pagpapagal na iyán! ¡Ang pagcaibig ninyóng sa inyó'y man~gumpisal ang lahát n~g tao! ¡Diyata't nagcacapagod at nagcacapangpapawis pa n~ tayo sa pagcaibig nating masiyasat cung anó ang m~ga gawâ n~g m~ga lalaki't m~ga babae at cung anó ang m~ga gawâ n~g ating m~ga capit-bahay!

Hindi dapat natin siyáng galawín hanggáng sa dumatíng ang justicia, ang sinabing malacás; matigás na; malaon nang siyá'y patáy. Unti-unting lumapit ang m~ga babae. Iyán ang capit-bahay nating tumítira sa bahay na iyón, na may dalawáng linggó na n~gayóng dumatíng dito; tingnán ninyó ang pilat niya sa mukh

Ano pa n~ga,t, ang quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: at escandalo nang capit-bahay. ¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom! verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang sangbahayán.

Siyá n~ po, ang ipinagpatuloy n~g alilang babaeng nan~gán~gatal; cucuha sana acó n~g pataní ... tumanáw acó sa halamanan n~g capit-bahay upáng maalaman co cung siyá'y naroroon ..., ang nakita co'y isáng lalaking úugoy-ugoy; ang boong isip co'y si Teo, ang alilang siyáng lagui n~g nagbibigay sa akin ..., lumapit acó upáng ... cumuha n~g patanì, at ang nakita co'y hindi siyá cung hindi ibá, isáng patáy; tumacbó acó, tumacbó acó at ...