United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nacahambál n~g mainam ang pagdating n~g dalawáng cuadrillero, na may daláng isáng angarilla na kinalululanan n~g isáng may anyóng tao, at isáng guardia civil ang siyáng sa canilá'y sumúsunod. Napagtalastás na silá'y galing sa convento; sa anyó n~g m~ga paang nan~gacalawít ay pinagbalacbalac n~g isá cung sino caya iyon; sa daco roo'y may nagsabing iyón n~; sa lalong daco roo'y ang patáy ay dumami at nangyari ang talinghag

At acó'y ..., n~guni't sa cawacasan, ¿anó, hindi ninyó nalalaman cung anó ang nangyari? ang tanóng n~g isáng lalaking may pagmumukhâng palabirô. ¡Ahá! ang m~ga cuadrillero. ¡Hindi ; iyá'y isáng pag-aalsá sa cuartel! ¿Anó bang pag-aalsá? ¡Ang cura't ang alférez ang nan~gaglabanán! Alin man diyá'y hindi totoó ang sabi n~g nagtanóng; iyá'y ang m~ga insíc na nagsipag-alsá.

¡Sacali't may lumalábas na m~ga cuadrillero, akíng ipahihiram ang aking m~ga nasásacop ang sabi namán n~g capitán n~g m~ga cuadrillero. At acó ... at acó ... cung nagcacailan~gan n~g isáng matandâ ... ang sinabing hindî magcatutó n~g isá, at naghuhumiyád n~g pagmamakisíg. ¡Sang-áyon camí! ¡sang-áyon cami! ang sigawan n~g marami.

Humin~gíng pahintulot ang capitan n~g m~ga cuadrillero upang magsalíta; pinagcalooban siya, datapuwa't hindî binucsan ang bibig, at mulíng naupóng nakikimî at puspós cahihiyan. Ang cabutiha'y nagtindîg si capitang Valenting siyang pinacamalamíg ang loob sa lahat n~g m~ga conservador, at nagsalitâ.

Ang sabihana'y m~ga cuadrillero raw na nacalaban n~g m~ga guardia civil. Cayâ napipiit si don Filipo. ¡Sanctus Deus! may m~ga labing apat daw ang cauntian n~g m~ga patáy. Untiunting pinagbubucsán ang ibáng m~ga bintan

Lumin~gap si don Filipo sa canyáng paliguid at humahanap n~g sa canya'y tumulong ay canyáng nakita si Ibarra. Guinoong Ibarra, ¡para na ninyóng awa! ¡Sila'y inyóng sansalain, samanatalang humaharap acó n~g m~ga cuadrillero! Anó ang aking magagawa? ang itinanong n~g binata, na natitigagal, datapuwa't malayo na ang teniente mayor.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap