United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nan~gagsiparoon ang m~ga capit-bahay, at macapal na m~ga tao ang siyáng lumiguid sa bangcáy, na nananatili sa pagpapaugóy-ugóy. Nan~gagsiratíng, nang may calahating horas na, ang isáng alguacil, ang directorcillo at dalawáng cuadrillero; ipinanaog n~g m~ga itó ang bangcáy at canilang inilagáy sa ibabaw n~g isang angarilla.
Nacahambál n~g mainam ang pagdating n~g dalawáng cuadrillero, na may daláng isáng angarilla na kinalululanan n~g isáng may anyóng tao, at isáng guardia civil ang siyáng sa canilá'y sumúsunod. Napagtalastás na silá'y galing sa convento; sa anyó n~g m~ga paang nan~gacalawít ay pinagbalacbalac n~g isá cung sino caya iyon; sa daco roo'y may nagsabing iyón n~gâ; sa lalong daco roo'y ang patáy ay dumami at nangyari ang talinghag