United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagtútucâ ang carabinero sa Malapad-na-bató, at n~g makitang waláng lamán ang bangcâ, at waláng anó mang idinudulot na sucat niyáng másamsam, ayon sa dating caugaliang pinaglamnán na n~g calahatlahatang m~ga carabinero at n~g m~ga carabinerong nan~garoroon, pinabayaan siláng macaraan agád. Hindi rin naman nagsasapantaha n~g anó man ang guardia civil sa Pasig, caya't hindi silá binagabag.

Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lup

Sinusuhan din naman ang maraming m~ga "rueda", m~ga "castillo", m~ga toro ó m~ga calabaw na apoy, at isang malaking volcang sa ganda at cadakilaa'y linaluan ang calahatlahatang nakita hanggang sa panahong iyon n~g m~ga taga San Diego. N~gayo'y tumutun~go ang caramihang m~ga tao sa dacong plaza n~g bayan, upang panoorin ang huling palalabasin sa teatro.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap