United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang útos ko ay tumpák, nasasálig sa matwíd! At anó? Hindi ba matwíd ang ipasaulì ang arì ng may arì? Kun ayaw kang sumunód, kun ikaw ay magmamatigás, kun di mo isasaulì ang rebolber na iyán, ngayon di'y papások ka sa..." "Kahi't saán ako'y handáng pumások," ang matigás na sagót ni Gerardo; "ibig ko po lang dinggín ninyó ako sandalî kung mangyayari.

Datapwa't sa masamáng pagkakataón, ay násabay ang paglápit na ito sa pagbunot ng rebólber ng kaaway ni Julio. Isip yata'y sila na ang susugúrin, kaya't biglâng nangamutlâ at dáli-dáling nangagsiúrong. "Ano't tíla kayo'y nátukâ ng áhas?" ang pagdáka'y itinanóng ng binata sa bayáning mga pulís. "Abá!" ang kaniláng tugón "kami ba'y mga ulól at ipapáin ang áming búhay sa kamatáyan?

"Sssttt!!" ... ang putol ni Kápitang Memò; "Ang rebólber na iyán ay akíng kilalá, kilalá ko! Alam ko na ang may arì diyan ay hindi ikáw. Bakit at ngayo'y nasasa iyó? Bakit ayaw mong ibigay sa may arì? Ha? Bakit ka nakikialám sa arì ng may arì? Ha? Bakit at kabatang-bat

Datapwa't pagkaraan ng ilang saglit ay isang putok ng rebolber ang namayani sa tahanang yaon pinaghaharian ng katahimikan at lungkot. Ang putok na iyon ay nagpahiwatig ng kagulatgulat na pangyayari. At, ¡oh! ang kanyang dibdib ang pinagaagusan ng dugo. Hindi siya namatay at tumitibok pa rin ang kanyang puso. Ano nga naman ang naging dahilan ng mga ito? Sino ang dapat na sisihin?

Nang makita niyang ang tinamaan ay ang kulang palad na binata, pagdaka'y iniurong ang rebolber at parang walang ano man. Datapuwa't kailangang siya ay magsabi ng totoo. Kailangan! Kailangan nga sapagka't ang mga maykapangyarihan ay nagsikilos. Bagama't ang kanyang budhing nagkasala ay nanahimik na sandali ay muli ba waring pinagharian din ng poot pa ang loob. At bakit? Sino ang taong iyon?

Para kay Eduardo ay naging ilaw naman niya sa paglakad ang gayong mga ginawi ng binibini. Anong laking kahihiyan kung ang lahat ng lihim na naging puno't simula ng kanyang paghawak ng rebolber upang ipamaril ay mamalayan ng mga magsisi pagusig? Diyata kaya't kanyang ipagtatapat ang lahat ng iyon?

At dumating ang sukab na asawa, may ngiti sa labi at may titig na mapungay na isasalubong sa asawa, datapwa't ano, at ano pa ang igaganting loob ng kanyang pasasalubungan? May sugat at nagdurugo ang dibdib ni Daniel sa tama ng rebolber. Daniel, Oh! Poong Diyos, Daniel, bakit, bakit nagbaril ka sa sarili? na noo'y nakita pa ni Leonora na hawak ang rebolber ni Daniel, na nakahandusay at sawi.

Napútol ang salitâ ni Gerardo, dahil sa bigláng pagkílos ng nalulugmók. Násaulì na ang pagkatáo, idinílat ang mga matá at titindig sana, nguni't ¿sino yaong nasa kanyáng haráp at pígil sa kamay ang isang rebólber na nakaúmang sa kanya?... Nápaupông muli. Sino itó? Si Kamatáyan na ba? Kakalawitin na kayâ siya?

Pagkasábi nitó, si Julio ay tumalikod nang kauntî. Sinamantalá ang pagkakataóng iyon ng kanyang kaalít. Maliksíng hinúgot ang daláng rebólber, lumundág sa loób ng tindáhan at pinukól ng tatangnán ang úlo ni Julio. Ito'y nanghin

Asahan mong ako'y di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. Leoning, salamat. At hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso.... Datapuwa't ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. Ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. Ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. Bakit? Ano ang kahulugan noon? Isang putok ng rebolber ang kanilang narinig.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap