United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Napútol ang salitâ ni Gerardo, dahil sa bigláng pagkílos ng nalulugmók. Násaulì na ang pagkatáo, idinílat ang mga matá at titindig sana, nguni't ¿sino yaong nasa kanyáng haráp at pígil sa kamay ang isang rebólber na nakaúmang sa kanya?... Nápaupông muli. Sino itó? Si Kamatáyan na ba? Kakalawitin na kayâ siya?