United States or Belize ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Kaululán!" ang sigáw ng pinunò na muling tumungó, nagsalikod kamay at nagyao't dito "Ang mga ulol na nagsasawa sa búhay ang tangi lang makasusunód sa mga áral na iyán! Ang mga pulís ko ay hindi mga ulól! Kung kayâ sila nangagsiúrong na gaya ng sabi mo ay hindî sapagka't sila'y mga duwag, kundi sapagka't sila'y nátutong gumamit ng ulo, natutong gumamit ng sentido común. Alám nilá ang halagá ng búhay; silá ay mga padres de familia; may mga anak, asáwa, magulang na sa kaniláng-kanilá lang umaása; bakin kayâ at hihinting sila'y magpatiwakál?" at dito'y hinaráp na naman ang binat
Datapwa't sa masamáng pagkakataón, ay násabay ang paglápit na ito sa pagbunot ng rebólber ng kaaway ni Julio. Isip yata'y sila na ang susugúrin, kaya't biglâng nangamutlâ at dáli-dáling nangagsiúrong. "Ano't tíla kayo'y nátukâ ng áhas?" ang pagdáka'y itinanóng ng binata sa bayáning mga pulís. "Abá!" ang kaniláng tugón "kami ba'y mga ulól at ipapáin ang áming búhay sa kamatáyan?