United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang útos ko ay tumpák, nasasálig sa matwíd! At anó? Hindi ba matwíd ang ipasaulì ang arì ng may arì? Kun ayaw kang sumunód, kun ikaw ay magmamatigás, kun di mo isasaulì ang rebolber na iyán, ngayon di'y papások ka sa..." "Kahi't pô saán ako'y handáng pumások," ang matigás na sagót ni Gerardo; "ibig ko po lang dinggín ninyó ako sandalî kung mangyayari.
Ang Kápitan ay dî napigil: "O ngayón di'y isasaulì mo iyán sa tunay na may arì, ó papások ka sa bilangúan! Mamilì ka!..." Isang madiîng suntók sa mesa ang isinunod sa "bilangúan." "Magdahandahan, po tayo...!" "Anóng dáhandáhan!" "Napakabilís pò kayóng humátol, G. Presidente. Ang útos mo pò"... "Ha?" ang pakli ng pinunò. "Ang aking útos? Ay anó ang aking útos?