United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !


Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang tunghan ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon pala'y kay Enchay, upang ipagbigay alam sa akin na kayo'y magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag-aaral. ¿Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay? ¿Pinasasakitan kaya ako? Siya'y namali. Wala tayong salitaan nang kami'y paroon sa lalawigan.

Datapwa't nang araw na iyon ay malabis ang kanyang pagtataka sa kilos na ipinakita sa kanya ni Leoning. Ang asawang si Leonora ay bihis ng magara at naglagay ng lalong mababangong "perfume" na taglay sa katawang mapangakit. Kaya sa pagkapansing yaon ng kulangpalad na asawang si Daniel, ay waring natawagang lubos ang kanyang kalooban sa mga kilos na nakita sa asawang si Leonora.

¿Anó kaya ang kasasapitan? ang wari'y tanong na isinagot n~g isá pa. At ang tanong na itó'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa m~ga kaharáp, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring napabitin ang kasagutan.

Itó ang hindi abutin n~g aking pag-hahaká at siya namang pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang katatanong sa m~ga palan~gân~, ay nahalaw ko ang ibubuhay n~gayon; n~guni't totoo kaya ang sinalita sa akin? Sa ano ma'y tahoin natin.

Ito'y kanyang tinutulang mahigpít kahimá't di nalilihis sa katotohánan; datapwa't tútol bibíg lamang naman, pagtutol na kung kayâ lang ganapin ay pag násasa haráp ng matitinong tao... Talagáng gayón si Kápitang Memò.

Nang makita niyang supot ay wala na ay agad tinawag ang sintang asawa at tinanong niya kundi kinukuha supot nang salapi na iniwan niya. Doon sa hagdanan, pagka't hindi talos nang asawa, kaya ang mabiglang sagot di ko nakikita ang uwi mong supot sa pinagiwanan sampung nagkaayos.

Bakit kaya? Ano kaya ang nangyayari sa dati niyang payapang pamumuhay? Waring ngayon ay natawagan ang kanyang pansin, natawagan ang kanyang kalooban dahilan sa madalas na pagalis ni Leoning ng tahanan na buo naman ng pagtitiwala ng mapagmahal na asawang si Daniel Perez sa hinalang walang ano mang ginagawang makapagpasama sa kanyang loob ang asawang akala niyang matapat.

Kaya Tingting Isiro; ang iniong pagbubukid ay talagang kapuri-puring gawa sapagka't siang kaunaunahang natuklasang pangbuhay sa m~ga tawo, at hangang n~gayo'y sia pa ring ikabubuhay at ikabubuhay n~g lahat n~g bayan sa Sangsinukuban, munti at malaki man, dan~gang dito sa atin ay waring napapabayaan. Samantala'y patuloy pa si Ambo n~g pag liliguid sa bukid.

At mali, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong saad: "Salamat at niyaóng sa quinabucasan hucbo co,i, lalacad sa Crotonang bayan"; kaya, tama ang "Dumating ang búcas". Hindi dapat baguhin. ALIU. Maliwanag na kamalian. Tama ang "alin" na nasa "Kun sino ..." at kay P. Sayo. AROPOS. Maliwanag na kamalian ng limbagan. "Atropos" ang ibig sabihin.

Ang "reflejaba", bagama't di siyang katumbas ng "kinalalagyan", ay siyang tanging maikakapit dito, upang maging maganda ang pangungusap, palibhasa'y kawangis din ng "kinalalagyan" o "kinalalarawanan" ang "kinalalagyan"; samantalang hindi maikakastila sa "kinalalagian". Nariyan ngayon ang isang bagay, na dapat liwanagin. Alin kaya riyan ang totoo?