United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapwa't nang araw na iyon ay malabis ang kanyang pagtataka sa kilos na ipinakita sa kanya ni Leoning. Ang asawang si Leonora ay bihis ng magara at naglagay ng lalong mababangong "perfume" na taglay sa katawang mapangakit. Kaya sa pagkapansing yaon ng kulangpalad na asawang si Daniel, ay waring natawagang lubos ang kanyang kalooban sa mga kilos na nakita sa asawang si Leonora.
Datapwa't ang mga kilos ni Leonora nang umagang yaon ay siya ngang napansin niya na sa pagkapansing yaon ay nagkaroon siya ng masamang kutob ang loob. Ngayo'y naninibugho ang kanyang damdamin sa dahilang iba't iba ang nakikita niyang kilos kay Leoning. Waring napansin niya ngayon ang lahat.