United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapwa't sa masamáng pagkakataón, ay násabay ang paglápit na ito sa pagbunot ng rebólber ng kaaway ni Julio. Isip yata'y sila na ang susugúrin, kaya't biglâng nangamutlâ at dáli-dáling nangagsiúrong. "Ano't tíla kayo'y nátukâ ng áhas?" ang pagdáka'y itinanóng ng binata sa bayáning mga pulís. "Abá!" ang kaniláng tugón "kami ba'y mga ulól at ipapáin ang áming búhay sa kamatáyan?
Alin pang áraw ang ibig dumating? Kun kailan ba pumutî ang uwak?"... Napútol dito ang talumpatì ni Faure. Si Juancho noón ay biglang lumundag mulâ sa kanyáng upô at nagsisigáw ng "Sunog! Sunog!! Sunog!!!" At siyá ngâ namang totoo! Nagliliáb ang palupo ng báhay! Nangamutlâ ang lahát. Di magkamáyaw ang mga "tubig!" at "Diyos ko!" Nangagtilían ang mga babáe. Nangag-iyákan ang mga bat