United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si doña Victorinang pinagdaanan na n~g una, pan~galawa, pan~gatlo at pang-apat na cabataan sa paglaladlad n~g canyáng m~ga lambat upang mahuli sa dagat n~g daigdíg ang bagay na adhica n~g canyáng m~ga hindi pagcacatulog, sa cawacasa'y napilitang sumang-ayon sa ibig n~g capalarang sa canya'y ipagcaloob.

At tiningnan siya ni doña Victorina sa m~ga n~gipin. Neneng, cailan may hindi aco humawac n~g.... Hindi ipinaubaya ni doña Victorinang matapos ang canyang sinasabi: sa isang dakilang galaw ay hinalbot sa guitna n~g daan, ang canyang m~ga n~giping tagpi lamang at saca guiniic. Dumating sila sa bahay, na halos umiiyac ang lalaki at ang babae nama'y nag-aalab sa galit.

Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ ang idinugtong ni Laruja. ¡Cayó namán, guinoong Laruja! ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico. ¿Paano bang matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na?

At ¿ang teniente? ani Doña Victorinang nakikicampí sa franciscano ¡sa boong gabíng ito'y hindî inalís ang pagcucunót n~g pag-itan n~g canyáng m~ga kilay; magalíng at tayo'y iniwan! ¡Matandâ na'y teniente pa hanggá n~gayón! Hindî malimutan n~g guinoong babae ang pagcacabangguít sa m~ga culót n~g canyáng buhóc at ang pagcacayapac sa "encañonado" n~g canyáng m~ga "enagua."

Nagpacunwari si doña Victorinang siya'y naglilihi, at nagpahumaling sa pagsusut n~g m~ga damit na sarisari ang m~ga culay, nagbalot n~g m~ga bulaclac at n~g m~ga sintas at nagpapasial na nacabata sa Escolta, datapuwa't ¡oh casaliwaang palad! nagdaan ang tatlong buwan at nalugnaw ang panag-inip, at sa pagca't wala n~g dapat ipan~gilag upang huwag maguing revolucionario ang anac na lalaki, hindi na niya ipinatuloy ang paglalacbay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap