United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî nagcámalî si Ibarra; nalululan n~ga si "victoriang" iyón si parì Dámaso at tumutun~go sa báhay na canyáng bágong caíiwan. ¿Saan bâ cayó paroroon? ang tanóng n~g fraile cay María Clara at cay tía Isabel, na man~gagsisisacay na sa isáng cocheng may m~ga pamuting pílac, at tinatampîtampì ni párì Dámaso ang m~ga pisn~gí ni María Clara, sa guitnâ n~g canyang m~ga caguluhan n~g ísip.
Sa pagca't túnay na hindî kilalá n~g alférez cung síno ang táong iyón, hininalang marahil ay ang bantóg na si Elías, na gáling sa lalawígang may iláng buwán pa lamang, na dî alám cung tagasaán, at napakilala sa m~ga guardia civil sa iláng báyan dáhil sa m~ga cawan~gis n~g gayon din m~ga cagagawán. ¿Cung gayó'y tulisán palá siyá? ang itinanóng ni Victoriang kiníkilig.
Nan~gagpacpacan ang m~ga cabataan, hinagcán siya ni María Clara: ang arda ang siyang instrumentong lalong tinútugtog sa lalawigang iyon at siyang nauucol sa gayóng m~ga sandalî. ¡Cantahin mo, Victoria, "Ang canción n~g Matrimonio"! ang hinin~gi n~g m~ga iná. Tumutol ang m~ga lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw.