United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang man~ga leproso ay gayon din naman caya't nagpupuri silang walang humpay, ang dakilang ban~go'y sumikip sa baya't nasamyo nang lahat yaong casarapan. Malacas na voces ay narin~gig nila uica'y cabuhayan n~gayon nang lahat na, at ito ang araw nang mahal na graciang caloob na tunay nang Dios na Amá.

Nang araw ring yao'y nagpatauag naman nang magsisigaua nang man~ga Simbahan at nang dumating na uica'y pasimulan ang Simbaha'y gaui't aking cailan~gan. Cayo ay humanap n~g maraming tao sa dagling panahon ay yariin ninyo, at cung matapos na ang hiling cong ito sa lahat nang baya'y magtatayo cayo.

Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat na bilin sa inyo nang Haring nag-atas, ay sabihin ninyong di co matutupad ang ualang halagang man~ga pan~gun~gusap. Diyata't Dios cong tunay ang lisanin at yaong Idolo ang aking sambahin, sa cahilingan niya'y ang aking patalim siyang mananagot sa balang ibiguin.

Lugod ay sabihin nang Haring si Clovis ang cay Aurellanong uica'y nang madin~gig, at biglang napaui sa caniyang dibdib yaong calumbayang di icatahimic. Ipinatauag nang lahat ang guinoo sa sacop nang Corte nang caniyang Reyno, dumating na lahat naman sa palacio yaong tanang piling man~ga Caballero.

Na ang carikita'y caguilaguilalas uica'y Constantino'y ang laguing pagtauag, at iyong pagsamo sa Dios na uagas na icaw ay bigyan nang tapang at lacas. Sa cuhilang turco n~g pakikilaban na doon sa tierra Santa'y nagtatan~gan, sa iyong malaking nasa'y cailan~gan na si Carlomagno ay macaalacbay.

At ang uica'y Haring pan~ginoon namin cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin, ayon sa ganitong pagcasahol natin caya mahinahong icaw po'y malining. Isinagot naman nang Haring si Clovis na ang voces niya'y tantong nan~gin~ginig, cun anong mabuting inyong iniisip sabihin n~gayon di't nang aking mabatid.

At pinasimulan yaong pagdarasal nang sa Dios bagang man~ga capurihan, sa dasal na verso'y nang dumating naman may voces nang ibong siya'y napakingan. Na ang uica'y tunay na narin~gig ca na nang pagdalan~gin mo sa Dios na Amá, gayon man ay di rin tumitiguil siya hangang sa dumating sa verso pang iba.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap