United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nananariwang lahat sa patak ng hamog na ang gayon ay siyang lalong nakapagdudulot sa mga bulaklak upang lalong maging ganap ang kabanguhang humahalimuyak. Datapwa't kung ang mga bulaklak na iyan, kung ang mga dahong iyan ng kahoy ay pamuling nanariwa sa mga patak ng hamog ng gabi, ay katulad rin naman iyan ng pusong tumutungga at nauuhaw sa sarong ginto ng katamisan ng hamog ng pag-ibig.
Alamin mo Leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso ... Oo, Leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi ... Oo, Leoning.