United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang paro't parito n~g simoy n~g hangin, nakapagdudulot n~g lamig at aliw datapwa't kung gayon ang iyong pag-guiliw, ay lubos katulad n~g isang pag-hamak at wala na akong hihintáy hintaying matapat sumintang hantun~gan n~g daing.
Nananariwang lahat sa patak ng hamog na ang gayon ay siyang lalong nakapagdudulot sa mga bulaklak upang lalong maging ganap ang kabanguhang humahalimuyak. Datapwa't kung ang mga bulaklak na iyan, kung ang mga dahong iyan ng kahoy ay pamuling nanariwa sa mga patak ng hamog ng gabi, ay katulad rin naman iyan ng pusong tumutungga at nauuhaw sa sarong ginto ng katamisan ng hamog ng pag-ibig.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap