United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga naglilintog, ó sinisin~gauan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang mercurio. Saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong man~ga lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui, at ang man~ga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin.

Ang gamot sa saquit na ito,i, gayon. Ang maysaquit gagaua nang paraang mangyaring sumaya ang caniyang loob. Caya magaling sa caniya ang paglacad na parati, at ang pagdalao na parati sa man~ga caquilala, nang malibang ang caniyang loob. Mabuti namang pumambo nang malimit sa malamig na tubig. Houag siyang tatahan doon sa man~ga mababang lugar, na hindi nahahan~ginang maigui.

Ang gagauin nang may ganitong saquit ay houag siyang cumain nang marami cun gab-i; houag pumambo sa ilog na ang man~ga lunas ay malalim; at ang man~ga ganoong tubig, sapagca hindi inaarauan ay malamig, at cun sana sa bun~ga nang cahoy, ay man~ga hilao.

Magaling sa saquit na ito ang pagpambo sa mainit na tubig na bungmubucal sa lupa para nang sa bayang pinan~gan~ganlang Los Baños; datapoua pupurgahin muna ang maysaquit, bago pumambo siya doon. Ang pagpambo sa malamig na tubig pag magaling na ang maysaquit ay sucat gauin nang malimit, nang houag umuli ang saquit na balingtamad.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap