Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 7, 2025
¿Tunay? ¡Tunay na tunay! At ang mestisa ay nan~giti. At ang makata ay napatitig. Sabihin mo n~ga, Elsa, kung saan naroon si Teang. ani Tirso mayamaya. ¿Sabihin ko sa iyo? ang tanong n~g dalaga. Kahi't wala na siyang anoman sa aki'y ibig ko lamang matalos ang kinadoroonan niya. ¡Talagang may pagmamalasakit! Wala, Elsa.... Hamo't mayamaya, at kung hindi matuloy ay sa iba nang araw.
Isang buntóng hinin~gang malalim n~g binata ang pumadlang sa pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang pisn~gi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw n~g isang kaban~gisan. Napatitig sandali sa lan~git, n~guni't ang titig na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na siyang inaakalang nakakapamahala sa kalupaan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap