Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 14, 2025
Siya nangang pagdampot na sa frasco nitong princesa, at babasaguing talaga sa malaquing galit niya. Dito nanga naramdaman nang príncipeng si don Juan, at naquilala ngang tunay si doña Maríang mahal. Linapitan capagdaca at saca niyacap niya, icao nga ang aquing sinta na iniuan co sa villa. Aco ang may casalanan sucat mong paghinanactan, pagca't, aco'i, nalapitan ni Leonorang timtiman.
Cay doña Maríang turing sa uinica mo sa aquin, itong aquing tagubilin sa loob huag limutin. Cun icao ay dumating na sa real palacio bagá, ay huag palalapit ca ni sa iyong reinang iná. Sa cangino mang babayi don Jua'i, iyong paquingui, sa reino'i, huag mangyari aco'i, mauaualang puri. Capag icao'i, nalapitan nang babaying sino pa man, aco'i, macacalimutan sa villa't, labás nang bayan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap