United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tirso ... boong lumbay na ipinakli n~g mestisa, ¿diyata ba't isa ka pa sa magpapainom n~g lason sa akin sa tulong n~g matatamis na bulaklak n~g dila? ... At parang di alumanang sa palibid nila'y hindi kakaunting tao ang nagmamasid at nakikimatyag; ay isinusog pa sa nan~gan~gatal na, tinig: Tapatin mo ako, Tirso: ¿hindi na ba ikaw ang Tirsong sinanglaan ko n~g lalong mahalagang hiyas n~g aking puri at nagdulot sa puso ko n~g pagasang balang araw ay sasayurin ko ang walang hanggang ... kaluwalhatian?
Biglang natilihan ang tinurang nurse nang marin~gig ang sabi n~g mestisa. "¿Sino ang tunay na asawa n~g lalaking ito?" ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki n~g mangha. ¿Ano n~ga ba ang maipaglilingkod? ang tanong pa ni Elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda. Maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy.