United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung minsa,y, totoong maninin~gas ang quidlat, na anaqui tila nagaalab ang lan~git; cung minsa,y, totoong nagdidilim na anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na culog; catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay catacottacot na parang bundoc.
N~guni't ¿sino ang man~gan~gahas na pumasok sa isang bahay na ang kalahati ay nagaalab? kaya't n~g waláng makin~gíg ay siya ang pumasok. Sandali lamang at nakita sa kabahayan, n~g m~ga nasa daan, ang anino n~g pumasok, at pagkatapos ay isang ¡oh! ang bumukal sa lahat n~g bibíg. Siyang pagbagsák n~g bahay na nagdidin~gas.
Ang katulad n~g isáng balíw na labnót ang buhók, nagaalab ang dalawáng-matá, na pumasok sa loób n~g silíd. ¡Oh, kataksilán!... ¡Si Pati, sa piling ni Tamád!