United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya n~gayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin n~g kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat sino ang lalapastan~gan sa akin?
Kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan n~g lalong m~ga matutwid na paraan upang sia'y maalis sa silo n~g kapanglawan, n~guni't waring isinusurot sa kanya n~g isang maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong m~ga mahahayap na pula n~g marami. ¡Oh, ang larawan n~g isang nilalasog n~g dalamhati....! Anó ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos n~g m~ga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay m~ga patak n~g luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa-awang binibini.