United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cayo n~ga ang laguing hinahanap-hanap nang ibig cumita nang maguiguing palad; baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag. At cayo rin naman ang guinagauaran nang labis na puri at lampas na galang, sa inyo ay madla ang nag-uunahan sumunod nang baua ninyong maibigan.
Caya di pahinohod ang loob co, na aco,i, lumagui sa ganitong calagayan. Cun ang isang dalaga,i, may bait at may nag aalagang magulang, cun may mag bantá man nang di matouid, ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang.
Salita Ng Araw