United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pag nacasuca na ang may catauan, saca painomin pa nang maraming tubig na linahucan nang pulot ó azucar; itong tubig na ito,i, lalag-yan din nang maraming suca; bucod dito,i, susumpiting parati ang maysaquit nang gatas na may casamang lan~gis.
Ang gagauin sa may sugat sa suloc nang mata ay ang man~ga turo sa capítulo 49. Ang sugat nang mata ay maiguing lahiran nang tubig na pinagtunauan nang laman nang bun~ga nang aroma na linahucan nang caunting asin. Mabuti rin doon ang sucang pinagbabaran nang caputol na tanso, para nang man~ga cuartang malinis.
Gayon din mabuti itapat na parati ang casangcapang masaquit sa sin~gao nang cungmuculong tubig Magaling ding tapalan nang bulaclac nang camantigui na babayuhin muna na may caunting asin . Datapoua cun hindi guinamot na tambing nang gayon, at tungmutuloy ang sibol, ay babasaing parati ang daliri nang gatas na pinaglagaan nang bulaclac nang culutan, ó tapalan nang tinapay na durog na linahucan nang gatas; ang totoong buti doon naman ay ang levadura nang trigo, nang madaling magnana ang sibol.
Salita Ng Araw