United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nagcacasaquit nang lagnat na sucab cun baga dinaraanan nang desmayo ay masama rin. Ang bagay doon sa oras na yaon ay ang suca na ipalolon-oc sa maysaquit, at cun masaol-an ay mabuti painomin nang maraming limonada, número 33.
Cun paanyo ang pagputoc nang sibol, at hindi namamatay pagcaraca ang maysaquit ang gagauin doo,i, ganito. Cun ang inilulura nang maysaquit ay totoong malagquit at maganit, touing icalauang oras paiinomin nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami, at cun malaonlaon, painomin naman nang isang taza nang turo sa número 13.
Pag nacasuca na ang may catauan, saca painomin pa nang maraming tubig na linahucan nang pulot ó azucar; itong tubig na ito,i, lalag-yan din nang maraming suca; bucod dito,i, susumpiting parati ang maysaquit nang gatas na may casamang lan~gis.
Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. Cailan~gang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang man~ga bagay na nacacatunao nang man~ga malalagquit na dumi doon.
Salita Ng Araw