United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagcâ acó'y kinacausap niyá, siya'y may isáng voces na ... sinasabi sa akin ang m~ga bagay na totoong cacaiba, na hindî mapaglirip, na totoong cacatuwâ ... minsa'y itínanóng niya sa akin cung hindî co nananag-ínip n~g tungcól sa m~ga súlat n~g nanay; sa aking acala'y halos nasisíra ang canyang baít.
¿Mararatnan co po caya si pari Damaso sa canyang bayan? ang isinalabat ni Linares, na si pari Salvi ang kinacausap; malapit daw rito ang sabi sa akin. Aba, naririto siya n~gayon at hindi malalao't siya'y paririto, ang isinagot n~g cura.
Hinaráp n~g m~ga matatandáng babae, gayón man, ang cura, upang makipagsalitaán sa canyá tungcól sa m~ga bagay na nauucol sa religión; datapuwa't hindî marahil minámagaling ni fray Salví ang lugar na kinálalagyan at ang capanahunang iyón, cayâ n~gâ't pawang m~ga malalábò ang caniyáng m~ga isinásagot at mapapanglaw at may gálit na hálò, at ang canyang m~ga matáng hindî tumitin~gin man lamang sa canyáng m~ga kinacausap ay nagpapalin~gaplin~gap sa magcabicábilâ.