Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 17, 2025
Napapansin din n~g m~ga "fraile" na ang pasok n~g salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa kagagawan n~g m~ga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa loob n~g simbahan at huwag magbayad n~g anoman. Itinuturo rin naman nila na huwag bilhin ang m~ga kalmen, ang m~ga kuwintas, ang m~ga kandila, ang m~ga istampá, ang m~ga bula, ang m~g novena, na kinakalakal n~g kombento.
Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian.
Si Cristo'y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap