Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 21, 2025
Sapagka't nakayapak ka na sa mga matataas na lipunan at mga sociedad, ay maglalaho na ang dating maningning mong ugali? Nahan ang kayumian mong dangal na lahi, na, nang mapasama ka at mawiling makipiling sa mga taong tanyag ay nagbago ka? Leoning gunitain mo man lamang kahit minsan ang iyong kahapon! Kaawawang Eduardo! Binatang umaasang may maningning na tagumpay, na hinaharap sa araw ng bukas.
Lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni Leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. Makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa't lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. Hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain.
Paris din ng puso kong hindi na nakakakita ng liwayway ng kaligayahan. Oo, waring napakapait ang lahat ngayon para sa ating damdamin . Eduardo, natapos nga sa atin ang lahat, na, nang mga unang sandali ay di ko man lamang napangarap ang ganito. Natapos sa atin ang lahat at marahil ay magpakailan man ay di na mangyayaring magbalik pa ang ating maligayang kahapon.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap