United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga gumaling man ang maysaquit, siya,i, ga naliliyo, ó dungmarami ang caniyang dugo, ó quiniquisig siya sa man~ga catauan niya, ang gagauin agad, ay magsangra siya at maghusay sa caniyang pagcain, nang houag magcasaquit uli nang malaqui. Ang gagauin sa nagcacasaquit dahil sa inarauan; sa uicang castila,i, insolación.

Ang caniyang lagnat ay malaqui; aayao siyang big-yan nang anomang gamot; hapay ang loob niya at cun minsan nauuhao, cun minsan hindi. Mayroong tauo, na dahil sa siya,i, inarauan maghapon, ay namamatay; at ang inasal nang mamamatay, ay para nang inasal nang quinacagat nang asong ban~gao. Cun ang tauo,i, nacacatulog sa arauan, ay lalo pang masama; at cun lasing ay lalo pa man din.

Ang pagtama nang saquit ay pagca siya,i, nacacain nang man~ga maiinit, ó nacainom nang alac, aguardiente, café, ó mainit na chá; ó sapagca siya,i, inarauan, ó napatahan sa mainit na lugar, ó cun siya,i, nagsaquit gumaua ó nag-iisip nang maliuag, at bucod doon, ay namumula ó namamantal ang caniyang muc-ha.

Ang pinagmumul-an nitong saquit, ang malaquing galit ó toua; ang pag-iisip nang maliuag ó pagtin~gin nang maliuag; ang pagtin~gin nang malauon nang pataguilid; ang pagcain nang marami,i, masarap; ang pagpambo nang malauon sa mainit na tubig; ang palo ó sugat sa ulo; ang paggauang parati nang mahalay; ang mahigpit na tali sa liig, ang pag-aamoy nang masamang sin~gao ó amoy, ó cun ang may catauan inurun~gan nang pauis, galis ó buni ó nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi; ó cun siya,i, inarauan.

Mayroon namang iba, na dahilan sa pagca inarauan, ang mata,i, sinisin~gauan ó naguiguing lirain, ó ga naguguló ang canilang pagtin~gin, ó cun minsan anaqui mayroon silang naquiquitang lungmilipad na parati sa canilang harap.

Cun ang arao ay mainit, ang man~ga cahoy, ang man~ga bato, pati nang tangso ó bacal man, na nalalagay sa arauan, ay totoong ungmiinit, na cun minsan hindi mahipo nang camay. Gayón din ang tauo cun siya,i, inarauan nang malauon, at lalo pa cun ang ulo ang tinamaan nang arao, nagcacasaquit cun minsan nang malaquing saquit na pinan~gan~ganlang insolación.

Ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at namumula. Cun minsan hindi macamulat, at hindi macatin~gin sa maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at touing maguiguising ay ga naguiguitla.

Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang man~ga bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailan~gang totoo, at cun hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahinin~ga lamang, at houag sa mainit.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap