United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g gabing sinundan n~g umagang pagbaríl cay Rizal, walang púsong filipinong dalisay na hindî tumibóc sa habág at panghihinayang sa pápataying apóstol n~g cagalin~gan at tan~ging patnugot sa icararan~gal n~g bayang itó; walang dibdib n~g caymanguing hindî tumahíp sa nin~gas n~g n~gitn~git n~g poot sa m~ga halimaw na dî nan~gin~giming magbuhos n~g dugô n~g dakilang taong walang ibáng sala cung dî ang pagcamacabayan.
Nagpapalipatlipat sa m~ga bibig ang canyáng pan~galang ipinan~gun~gusap lamang upang purihin, m~ga pagpupuring hindî mangyayaring di mauuwî sa icararan~gal n~g España at n~g tunay na m~ga castilang gaya na n~gâ natin, na cailan ma'y hindî natin pinasisinun~galin~gan cailan man ang ating dugô, cahit magpacáramirami ang m~ga maguing cahalò."
"Talastas mo anac co ang sagot n~g Ina ni Rizal na tumutulò ang saganang lúhâ sa m~ga matá, na ang bawa't magalin~gín mo'y minamabuti co naman. Ipinagpipighatî co n~g labis ang pan~gun~gulila sa iyo; datapuwa't huwag mong pansinin ang aking ililigaya, cung dî ang icararan~gal n~g ating láhì at n~g tinubuan nating lúp