United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sari-sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag na yaon. Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa nang inuulit cong casulatan.
Ako'y naging tao, nagdamdam ako ng gutom at di ko malaman kung anong gagawin. Nakakita ako ng isang simbahan, na itinalaga sa Walang Hanggan at inisip kong tumuloy roon. Ang pinto ay nakatalasok. Sapagka't hindi ako makapasok ay naupo ako sa pintuan at pinagsikapang kong duon makasilong; gumabi, nagdamdam ako ng ginaw, nagdamdam ako ng gutom, ininda ko, at ako'y nanginig. At ang hirap ay sumaakin.
Sampung minuto pa ang dumaan bago ka lumabas sa pinto ng inyong bahay na dala mo ang iyong mga aklat. Dalidali akong nanaog at hindi mo naino na sinundan kita hanggang makarating ka sa paaralan. Sa tanghali'y binantayan kita sa aming bintana hanggang makapasok ka sa inyong pintuan. Gumabi. Maliwanag din ang buwan.
Salita Ng Araw