Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 9, 2025
¡Ay Giday! ang pabuntong hinin~ga ni Kadiliman, n~gayon lamang nagsipanaw dito ang m~ga demonyo at m~ga kaluluwa n~g m~ga ibinabaon na nag bayad sa akin bago ilibing, at ang kalulua nang bienan kong frayle na inubos ko na ang kanyang kayamanan, tanto mo na ang aking ugali daig ko pa ang kurang tunay, dahil sa akin nagbabayad ang bawa't ilibing.
Lintik! sigaw na halos magiba ang bahay ni Kadiliman at sinabayan ito n~g hampas n~g latigo, parol anyá ang taglay ko n~g tayo'y magliwanag. ¿Bakit ka nang-uulol Kadiliman? Marahang sumagot si Kadiliman n~g ¡¡¡ay!!! Nan~gan~gapos ang hinin~ga mo, ¿ha? at biglang pinilantik n~g látigo ni Giday.
Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan n~g píral sa tain~ga, samantalang dinadaklot ni Giday ang pin~gol n~g tain~ga ni Kadiliman sinabayan n~g salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi nagkakaramdam na manghin~gî n~g contribución, sa kanyang m~ga kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang n~galang n~g Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday n~g sabing kahabág-habág sa iyo ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatan~gay na lagî sa gaya n~g iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang bayang sipután n~g gaya mong taksil, kaya't isaulî mo n~gayon din ang m~ga nai-ambag ko; n~g kasalukuyang sinasalita ni Giday ang kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal n~g ubo't nan~gin~ginig ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit n~g masarap na pagkain, at siyang dahil n~g ikinabulagta n~g ating Kadiliman.
N~g hin~gan n~g liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga. Masayang-masaya si Giday Lasengang lumalapit sa kinahihigan ni Kadiliman, taglay sa kanang kamay ang parascó n~g Hiniebra at sa kaliwa'y isang látigong panghampás sa kabayo't ganito ang sabi ni Giday: Lintik! Lintik!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap