United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Iinomin nang maysaquit ang calahating tazang mahiguit, isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab-i. Ang timbang dalauang pisong pinagquiquilan nang bacal, at ang timbang isang salaping rudang tuyo, sampon nang timbang isang salapi ring anís, na binayong maigui, ay isasama sa caunting pulot ; ang timbang tatlong bahagui noon ay lolonoquin nang maysaquit maghapon.

Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi alisin ang pinacaugat na pinan~gagalin~gan noong hirap na yaon. Caya ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya n~g marami, lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama.

Cun hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, painumin man noong turo co n~gayon, ay damidamihan yaon ding painom na bilin sa número 72; at cun baga ungmuunti-unti na ang pamamaga, ay bigquisang maigui ang catauan, at painumin ang maysaquit nang timbang dalauang piso nang bilin sa número 74, isang oras bago cumain, cun tanghali at cun gab-i.

Ang timbang pisong libao, ó nang pinagquiquilan nang bacal na ualang patalim na inag-ag sa sinamay na masinsin, at ang timbang piso ring azúcar, sampon nang timbang isang salaping anís na bayong maigui, ay gagauing dalauang pouo at apat na bahagui; ang isang bahagui ay minsang lonoquin. Ang maysaquit isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab-i, binibig-yan nang isang bahagui.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap