United States or Nauru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî dapat mawala ang música n~g Pagsanghang ang escribano ang siyang may arì, at gayón din ang música n~g S.P. de T., na balitang totoo n~g panahóng iyón, dahil sa ang namamatnugot ay ang maestro Austria ang lagalag bagáng si "cabo Mariano," na ayon sa sabihana'y dala raw niya sa dulo n~g canyáng batuta ang pagcabantog at ang magagandang tínig.
Malaking totoo pô ang aking pagcaibig, n~g isinagót ni Ibarra, n~gunit cung magcagayó'y cacamcamin co ang nacauunlac na tungculing iyan sa guinoong Escribano; ¡ang guinoong Escribano ang siyang marapat magpatotoo n~g guinagawang itó! Kinuha n~g Escribano ang cajang iyón, nanaog sa hagdanang nalalatagan n~g alfombra na patun~go sa húcay, at inilagay n~g cadakilaang marapat sa gúang n~g bató.
Naghahanay ang camahalan pô ninyó n~g m~ga matitimyás na sasay! anang escribano n~g boong galác, at ininóm niyá at n~g Alcalde ang álac na na sa canicaniláng copa. Hindî mangyaring hindî co gawín, anang Alcalde, na pinapahid ang canyáng m~ga labì; cung hindî laguing gumagawâ n~g magnánacaw ang capanahunan, ay gumagawâ namán n~g manunulâ.
¡Para manding nakikinikinita na, nakikinikinita na! ang isinisigáw n~g escribano; ¡sinasabi co na! hindî masiglá ang paglusong sa húcay ni guinoong Ibarra, ¡Nakikita co na! ¡Isang "Indio" naman lamang ang siyáng namatáy!